Jornal Entri #2 (Teorya-teoryahan sa Pag-ibig)
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko ngayon sa blog na ito. Ang balita ko sa mga kakilala ko, hindi ko na muna gagawin ang blog tungkol sa Jeepney theory na isinulat na ng kaibigan kong si JL (http://bluemaxx.blogs.friendster.com/mga_kwento/2007/02/blue_maxxs_log_.html) na nabigyan na rin ng komento ng mga ilang nakausap ko o mga nakabasa ng blog niya. May malalim akong dahilan kung bakit iniiwasan ko itong isulat. Pansin ko rin, bumabagal na magsulat ang makatang mapilit o di lang niya matanggap na ang mga musa ng talinghaga ay nagtatampo sa bago nitong musa. Ilalahad ko rin ito sa mga darating na araw.
...
Magdadagdag na lang ako o magkokomento tungkol sa jeepney theory na inilahad ni JL(nasa itaas ang link ng blog niya).
Para kasi sa akin, ang jeepney theory na inimbento ko ay isa lamang dagdag na teorya sa penomena ng love at first sight. Nailahad na rin ito ng isang kaibigan kong si Leonard Bryan Paet, pero sinasabi rin niya na maaaring iba ito sa love at first sight.
Ito ang ibig sabihin ng love at first sight mula sa wikipedia:
Love at first sight is when a person feels romantic passion for a complete stranger upon his or her initial encounter with the stranger. The term can be used casually to refer to a mere sexual attraction or crush, but it usually refers to actually falling in love with someone literally the very first time one sees him or her, along with the deep desire to have an intimate relationship with that person. The stranger may or may not be aware that the other person has any such notion, and may not even be aware of the other person's presence (such as in a crowded place). Sometimes two people experience this phenomenon towards each other at the same time, usually when their eyes meet.
Ang paglalahad na ito tungkol sa love at first sight ay sinisira ng Jeepney Theory at maaari natin sabihing masyadong pessimistic theory. Pinapalagay kasi natin sa Jeepney Theory na ang babae o lalake na nakasabay mo sa jeep( o kung saan man) ay imposibleng maging sa'yo siya at ikaw sa kanya. Maraming pagkakataon para makilala mo siya, pero mas nangingibabaw ang kultura tungkol sa pagpapakilala, ang pokus kung saan siya bababa mula sa kanilang naging maikling tagpuan at sa pagpapatuloy ng buhay pagtapos dito, takot, kaba, at iba pang bagay na nagpapakita ng pagiging kulang sa confidence.
Kung sa mitolohiya lang natin ito ihahambing, ang koneksyon ng dalawang tao sa Jeepney Theory ay ang palaso ni Kupido na itinama niya sa mga puso nito. Sa kasamaang palad, ang palaso ay di malalim ang pagtagos o purol at di sapat para tuluyang mabaliw ang isa para gawin niya ang lahat para magtagumpay siya sa kaniyang nais mangyari na kadalasan nasosobrahan at nauuwi sa mga bagay na di kaaya-aya.
Sa pagkakataong ito, naimbento ko naman ang Simbang Gabi theory. Kung ang Jeepney Theory ay masyadong pessimistic, optimistic naman ito.
Nangyari ito nakaraang simbang gabi 2006, kung saan sa siyam na araw(walong araw lang ako. Umabsent sa ika-dalawa) ay halos nagkaroon ako ng isang maikling koneksyon sa isang babaeng lagi kong nakakasabay sa pagsimba. Sa pagsisimba ko sa mga madaling araw na iyon, nakita ko kung paano ang isang estranghero sa iyo ay halos kabahagi na ng buhay mo sa mga oras na iyon.
Ang malaking kaibahan nito sa Jeepney theory ay may pormal kayong tagpuan. Malaki talaga ang pagkakataong makilala mo siya dahil sa simbahan at sa mga araw kumpara sa jeepney na sa oras niyo lang ng pagsakay nagkatagpo. Maaari ring sabihing pareho kayong katoliko at nagsisimba, magkapatid nga kayo sa pananampalataya-- may matibay na koneksyong nabubuo. Di malayong makilala mo siya kung may lakas ka para makilala siya. Kung hindi naman, ay umaasa ka pa rin na magkita kayo sa mga darating pang simbang gabi o sa darating pang simbang gabi sa susunod na taon.
Dito halos binabaon mo ang palasong mababaw na pinana sa iyo ni Kupido.
Tulad nga ng ibang teorya, maaaring di ito totoo (ako man ay may pagdududa lalo na sa mga pagkakataong alam kong di uubra ang mga teoryang ito). Kaya hindi ko pa rin alam kung bakit ko pa dapat sabihin ito ngayon sa blog ko.Tapos na ang Valentines Day, at may iba ako ngayong pinagkaka-abalahan na may kinalaman din sa baliw o di inaasahang pag-ibig. Huwag nang mag-react ang nakakaalam.(^_^) Doon na lang sa Theory.
Jornal Entri para sa Pebrero 2007
