Itong Christmas Blues ni Scrooge
Itong papatay-sinding mga pamaskong ilaw,
Itong papatay-sinding mga pamaskong ilaw,
Parang naghihingalong bitwin sa kadiliman.
_
Itong ingay ng lata at tansan ng karoling,
Itong ingay ng lata at tansan ng karoling,
Ay mga alingawngaw ng yuping kahirapan.
_
Itong paulit-ulit na pagbigay regalo,
Itong paulit-ulit na pagbigay regalo,
Dala'y paulit -ulit na kaipokritahahan.
_
Itong amoy ng bagong lutong puto't bibingka,
Itong amoy ng bagong lutong puto't bibingka,
Kabaliktarang simoy sa loob ng simbahan.
_
Itong pagmamadali sa pagbili sa t'yangge,
Itong pagmamadali sa pagbili sa t'yangge,
Ay pagmamadali rin sa ngayong katapusan.
Disyembre 20, 2006
